Dagupan City – Nakumpiska ng National Meat Inspection Service Regional Technical Operation Center 1 (NMIS RTOC 1) ang kabuuang 259 kilo ng undocumented at mishandled na karne ng manok sa isinagawang enforcement activity sa mga bayan ng Laoac at Manaoag kamakailan.

​Ipinadokumento agad sa lokal na himpilan ng pulisya para sa police blotter ang mga narekober na kargamento na walang kaukulang dokumento at hindi dumaan sa wastong pagsusuri.

Matapos ito, isinagawa ang ligtas at wastong pag-dispose sa mga karne sa pamamagitan ng pagbaon sa lupa.

--Ads--

​Nasaksihan ang ginawang pagbaon sa lupa ng mismong pangkat ng NMIS RTOC 1, kasama ang mga kinatawan ng Local Government Unit (LGU), mga police escort, at ang may-ari ng mga nakumpiskang produkto.

​Binigyang-diin ng NMIS RTOC 1 na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro na tanging malinis, ligtas, at may mataas na kalidad na karne lamang ang makakarating sa mga pampublikong pamilihan para sa kalusugan ng publiko.