Dalawa ang nasawi at 10 iba pa ang nasugatan matapos araruhin ng isang truck ang gitna ng isang youth soccer match sa Wichita, Kansas sa Estados Unidos.
Ayon sa paunang ulat, naganap ang insidente habang isinasagawa ang soccer match na nilalahukan ng mga kabataan.
Sampung katao ang nagtamo ng mga pinsala, ngunit wala sa mga ito ang naiulat na nasa kritikal na kondisyon.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang 34-anyos na babaeng nagmamaneho ng truck kaugnay ng insidente.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi at mga pangyayari sa likod ng trahedya.
Wala pang karagdagang detalye na inilabas hinggil sa pagkakakilanlan ng mga nasawi at sa posibleng pananagutang kakaharapin ng driver.
Home International News Dalawa patay, 10 sugatan matapos araruhin ng truck ang youth soccer match...










