Ilang katao ang nasawi at nasugatan matapos sumiklab ang isang malaking sunog sa malawak na lugar na ginagamit para sa pagsasanay ng mga sundalo sa Canadian Forces Base (CFB) Wainwright sa silangan-gitnang bahagi ng Alberta, Canada.

Hindi pa kinukumpirma ng ministro ng pambansang depensa ng Canada ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa insidente.

Gayunman, inilarawan ng isang doktorsa Edmonton ang pangyayari bilang isang sakunang maaaring mangyari lamang isang beses kada 15 hanggang 25 taon.

Dahil sa dami ng mga pasyenteng kailangang gamutin, nagpatupad ang mga awtoridad ng “Code Orange” na protocol sa Edmonton upang matugunan ang pagdagsa ng mga nasugatan mula sa base militar.

Hinimok din ang publiko na iwasan muna ang emergency department ng University of Alberta Hospital upang mabigyang-priyoridad ang pangangalaga sa mga pasyenteng apektado ng insidente.

Ayon kay Alberta Premier Danielle Smith, maraming tauhan ng militar ang naapektuhan ng sunog, na tinukoy niyang mga magigiting na lingkod ng bansa.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Prime Minister Mark Carney at inilarawan ang insidente bilang isang seryosong pangyayari.

Patuloy namang inaasahan ang karagdagang impormasyon mula sa mga awtoridad hinggil sa eksaktong bilang ng mga nasawi at nasugatan, gayundin sa sanhi ng sunog.