Naapula ang sunog na sumiklab ngayong Oktubre 15 sa Barangay Guiguilig, Mangaldan, Pangasinan, malapit sa Mangaldan National High School.
Dakong ala-una ng tanghali nang magsimula ang apoy. Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection o BFP upang apulahin ang sunog at mapigilang kumalat sa mga kalapit na bahay.
Pagsapit ng alas-dos kinse ng tanghali, tuluyan nang naapula ang apoy.
Gayunman, nadamay ang bahagi ng rooftop ng isang katabing bahay, partikular sa likurang bahagi nito.
Ayon sa ilang bystanders na nasa lugar, isang bata umano ang naglalaro ng apoy at dito umano nagsimula ang sunog.
Gayunman, hindi pa ito opisyal na kumpirmado ng BFP. Hinihintay pa ang opisyal na impormasyon ng mga awtoridad kaugnay sa tunay na sanhi ng sunog.
Patuloy namang inaalam ang lawak ng pinsalang idinulot ng insidente.








