Babandera si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa 2026 FIG World Artistic Gymnastics Championships na gaganapin sa Rotterdam, Netherlands.
Makakasama niya ang kapatid nitong si Karl Eldrew sa torneo na magsisimula sa Oktubre 17 hanggang 25.
Lalahok ang dalawa sa men’s individual all-around habang ang mga kasama nilang Pinoy na sina Juancho Miguel Besana at Haylee Garcia ay may kaniya-kaniyang events.
Maguguntiang nagkamit ng dalawang gintong medalya si Yulo sa floor exercise at vault sa katatapos na Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Kasalukuyang sumasailalim ang Philippine team sa Antibes, France bago ang torneo.
Sinabi ni Calos na ang Asian Games ay bahagi ng kaniyang paghahanda sa World Championships kung saan natutuwa siya dahil sa halos kumpleto na sila sa traning camps.
Habang si Karl Eldrew Yulo ay kumpiyansang magwawagi sa podium mix matapos na magwagi ito ng bronze medal sa Asian Games.










