Kabombo! Naniniwala ka bang mabisang pangontra init ng katawan laban sa malamig na panahon?

Kakaibang paraan kasi ang ipinamalas ng 35 anyos na gymnast na si Filip Kržišnik na tumayo patiwarik sabay sinilaban ang kaniyang katawan dahil umano wala itong maisip na ibang solusyon para uminit ang lamig ng panahon.

Kung saan itinaas ni Filip ang kaniyang binti sa ibabaw ng kaniyan ulo habang nilalamon ng apoy sa loob ng 47 segundo.

--Ads--

Ibinahagi ni Filip na bilang stunt man sa industriya ng pelikula, may mga pagkakataon umano siyang biglaang napupunta sa fire stunt.

Ayon sa kanya, kung paghahandaan at sasanayin nang tama ay hindi naman ito dapat maging mapanganib sa anumang paraan.

Ibig sabihin, ang ganitong paraan bilang pangontra ng lamig ay dapat lamang gawin ng mga eksperto at may sapat na kasanayan sa larangan.

Para kay Filip, matinding pagsasanay ang kaniyang pinagdaaanan upang manatiling kalmado habang ginagawa ang stunt at kontroladong ibinaba ang katawan bilang senyales na hindi na niya kayang panatilihin ang handstand upang apulahin ang apoy s akaniyang katawan.

Masaya umano siya sa naitalang 45 segundo ngunit aniya ay mas kuntento siya kung umabot ito sa 60 segundo.