Inihayag ni Senator Robin Padilla na wala na siyang planong muling tumakbo sa pulitika at mas nais niyang mamuhay nang tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Sa kanyang post online, sinabi ni Padilla na maliit pa ang kanyang mga anak at isang tahimik na buhay-Islam ang kanyang pinapangarap.
Nagpasalamat din si Padilla sa mga kaibigang humihikayat sa kanyang manatili sa pulitika, ngunit sinabi niyang hindi Ito nababagay sa mundong Ito.
Samantala, pinangalanan ni Padilla ang mga posibleng maka-tandem ni Vice President Sara Duterte sakaling tumakbo itong presidente ng bansa.
Unang binanggit ni Padilla si Senate Minority Leader Alan Pater Cayetano, Senators Imee Marcos, Bong Go, ang nagtatagong si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, at ang nakakulong na si Sen. Rodante Marcoleta.
Isinama rin ni Padilla sa posibleng maka-tandem ni Duterte si Atty. Salvador Panelo.




