Nakaalerto ang Japan sa pagdating ng Bagyong Inday (Bavi).

Ayon kay Myles Briones Beltran, Bombo International News Correspondent sa Japan, nakaalerto na ang mga awtoridad at residente sa bansa dahil sa inaasahang pagdating ng Typhoon Inday, na may international name na Bavi.

Naghahanda na rin ang mga residente sa timog ng Japan, kabilang ang Sakishima Islands, sa posibleng hagupit ng bagyo na inaasahang magdadala ng matinding pag-ulan at malalakas na hangin sa rehiyon.

--Ads--

Dahil sa banta ng masungit na panahon, nagkansela na rin ang mga airline ng maraming flight bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga pasahero.

Inaasahan din ang posibilidad ng mga pagguho ng lupa o landslide sa mga apektadong lugar.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa mga residente na sumunod sa evacuation advisories at iba pang safety measures upang maiwasan ang anumang panganib dulot ng bagyo.