Dalawang malalakas na lindol ang yumanig sa kabisera ng Venezuela na Caracas sa loob lamang ng ilang segundo ang pagitan.

Ang unang lindol ay may lakas na magnitude 7.2 habang ang ikalawa ay magnitude 7.5.

Ilang gusali ang gumuho habang nagmadaling lumabas sa mga lansangan ang mga residente.

--Ads--

Nanawagan naman ang interior minister ng bansa sa publiko na lumikas at iwan muna ang kanilang mga tahanan para sa kaligtasan.

Pinangangambahang mataas ang bilang ng mga nasawi at malawak ang pinsalang dulot ng mga lindol.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), may 44 porsiyentong posibilidad na lumampas sa 10,000 katao ang maaaring maging bilang ng mga nasawi.

Nagdiriwang noon ng isang pambansang holiday ang Venezuela kaya maraming mamamayan ang nasa kanilang mga bahay nang tumama ang mga lindol bandang alas-6:04 ng gabi sa lokal na oras.

Niyanig ng mga lindol ang isang lugar sa kanluran ng Caracas at naramdaman ang pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa, maging hanggang sa lungsod ng Bogota sa Colombia.