Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine Army sa alegasyon ng pananakit sa ilang mga trainees ng National Guard sa loob ng Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.
Sinabi ni Army Second Infantry Division spokesperson Colonel Michael Aquino, nakarating na sa kanila ang impormasyon at kanila na itong iniimbestiga.
Tiniyak nito na hindi kokonsintihin ng Philippine Army ang nasabing pisikal na pagdidisiplina.
--Ads--
Magugunitang nagalit umano ang instructor na isang staff sergeant matapos na bigo ang mga trainees na agad na magsagawa ng formation.
Lasing umano ang instructor kung saan pinagsisipa at sinuntok ang mga trainees.










