Dagupan City – Nadakip ang nasa siyam na indibidwal sa magkahiwalay na operasyon laban sa iligal na sugal na isinagawa ng kapulisan sa mga bayan ng Pozorrubio at Manaoag.
Sa Pozorrubio, tumugon ang mga tauhan ng Pozorrubio Municipal Police Station sa ulat tungkol sa laganap na illegal na sugal.
Nahuli sa akto habang naglalaro ng tong‑its ang tatlong residente na may edad na 65 hanggang 76.
Nakumpiska sa kanila ang isang set ng baraha at perang taya na nagkakahalaga ng ₱3,000.
Samantala, isinagawa naman ng Manaoag Municipal Police Station ang kanilang operasyon sa kanilang nasasakupan.
Dahil dito, Anim na tao ang naaresto kabilang ang limang babae at isang lalaki na may edad mula 28 hanggang 64 taong gulang.
Nakuha sa kanila ang dalawang set ng baraha at kabuuang ₱1,017 na halaga ng taya.
Samantala, Ang lahat ng nadakip ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani‑kanilang himpilan ng pulisya.
Haharap sila sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602, ang batas na nagpaparusa sa mga gawaing iligal na sugal.










