DAGUPAN CITY- Mahalaga ang pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng Senate Impeachment Court subalit, hindi rin makakaapekto sa ‘validity’ ng proseso ang absence nito.

Ayon kay Atty. Francis Dominic Abril, legal consultant/Political Analyst, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inaasahan pa rin ang presensya ng bise presidente sa paglilitis dahil sa inihain na Writ of Summons mula sa senado.

Ang Writ of Summons ay pag-uutos sa papel na sagutin ng akusado ang mga reklamong kinakaharap nito.

--Ads--

Gayunpaman, hindi pinipigilan ang bise presidente sa hindi nito pagdalo kung mayroon itong katungkulan na kailangan tugunan.

Samantala, hindi pa tiyak sa 23 nanumpang senator-judge na makumpleto nito ang kinakailangang 16 boto upang maipagpatuloy ang impeachment.

Subalit, kapansin-pansin pa rin sa mga majority at minority ang kani-kanilang pinapanigan.

Habang ang House Prosecution Panel ay may kalakasan sa karanasan at may gigil sa pagtataguyod ng tamang pananagutan.

Inaasahan naman ni Atty. Abril na uulanin ng ‘technicalities’ sa mga ebidensya mula sa magkabilang panig ang mangyayaring paglilitis.

At kung tuluyan nang mapatalsik si Vice Presidente, hindi na ito muling makakabalik sa anumang opisina ng gobyerno.