DAGUPAN CITY- Idineklara ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang paggunita ng Jose de Venecia Jr. Day tuwing ika-26 ng Disyembre.
Sa ilalim ng Provincial Ordinane 56-2026, ito ay bilang pagkilala sa naging kontribusyon ng dating House Speaker sa bansa at sa lalawigan.
Pinangunahan naman nina SP Member Jerry Agerico Rosario at Marinor De Guzman ang naturang ordinansa.
--Ads--
Ang nasabing araw ay ang kapanganakan ni de Venecia.
Namayapa ang dating kongresista noong February 10, 2026 sa edad na 89.
Matatandaan na nagsilbi si de Venecia sa pagiging kongresista sa loob ng 7 taon at 5 beses naman itong naihalal bilang House Speaker.










