Nakatakdang magtapos ang makasaysayang paglalakbay ng Artemis II sa pamamagitan ng splashdown sa Karagatang Pasipiko malapit sa baybayin ng San Diego sa Abril 10 bandang alas-8:07 ng gabi (EDT) .
Ayon sa NASA, maaaring bahagyang magbago ang eksaktong oras at lokasyon ng landing habang nagpapatuloy ang misyon, ngunit nakahanda na ang mga recovery team upang agad na sunduin ang crew.
Gagamit naman ng mga helicopter upang kunin ang mga astronaut at dalhin sila sa USS John P. Murtha, kung saan isasagawa ang kanilang mga post-mission evaluation.
Binubuo ang crew nina Reid Wiseman, Christina Koch, Victor Glover mula sa Estados Unidos, at Jeremy Hansen mula sa Canada.
Ang misyon na ito ay itinuturing na isang mahalagang hakbang sa mas malawak na plano ng NASA na muling magpadala ng tao sa Buwan at magtatag ng pangmatagalang presensya sa lunar surface.










