Nasawi ang isang katao habang dinala sa ospital ang 77 katao matapos bumagsak ang isang eroplano ng Colombian Air Force na lulan ang 125 katao, ilang saglit matapos ang pag-take off nito sa southern Amazon region ng bansa.
Ayon naman sa social media post ni Pres. Gustavo Petro na patuloy pang kinukumpirma ang kalagayan ng higit 40 katao na sakay ng eroplano.
Sinabi naman ni Colombian Air Force Commander Fernando Silva na 114 ang bilang ng mga pasahero ng naturang eroplano habang 11 ang crew members, at patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.
Habang ibinahagi ni Defense Minister Pedro Sanchez na nangyari ang insidente matapos ang pag-take off ng eroplanong Hercules C-130 mula sa Puerto Leguizamo, sa border ng Peru, habang nagdadala ng mga tropa.










