Nagbanta si U.S. President Donald Trump na aatakehin ang Iran kung hindi nito bubuksan ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras.
Nagbabala si Trump na wawasakin ng Estados Unidos ang mga power plant ng Iran kapag hindi nito agad binuksan ang Strait of Hormuz.
Mahalaga ang rutang ito sa pagdaan ng langis at gas sa buong mundo.
--Ads--
Dahil sa tensyon, nahirapan ang mga barko na dumaan dito at tumaas ang presyo ng enerhiya.
Nagbanta rin ang Iran na gaganti at targetin ang mga pasilidad ng U.S. sa rehiyon.
Samantala, gumamit umano ang Iran ng long-range missiles at inatake ang isang base militar ng U.S. at U.K.
Dahil dito lalong lumala ang sitwasyon at pinangangambahang magdulot ito ng mas malaking krisis.










