Naglunsad ang Israel ng panibagong serye ng pag-atake laban sa Iran nitong Biyernes, isang araw matapos sabihin ni US President Donald Trump na huwag nang ulitin ang mga strike sa imprastruktura ng natural gas ng Iran.
Matatandaan na libo-libong katao na ang nasawi sa patuloy na labanan, na kumalat na rin sa mga karatig-bansa at nakaapekto sa pandaigdigang ekonomiya.
Nagsimula ang serye ng pag-atake noong Pebrero 28, matapos mabigo ang negosasyon hinggil sa nuclear program ng Tehran na magbunga ng kasunduan.
Ayon sa isang tagapagsalita ng Israeli Defense Forces, kakasimula pa lamang ng isang bugso ng mga pag-atake laban sa imprastruktura ng teroristang rehimen ng Iran sa mismong Tehran.
Samantala, iniulat ng Bahrain, Kuwait, at United Arab Emirates na nakaranas sila ng mga pag-atake ng missile ngayong biyernes.
Ito ay kasunod ng ilang araw ng mga pag-atake ng Iran sa mga pasilidad ng enerhiya sa rehiyon, na nagdulot ng matinding epekto sa pandaigdigang merkado.
Tumaas naman ang presyo ng enerhiya noong Huwebes matapos gumanti ang Iran sa isang pag-atake ng Israel sa isang malaking gas field nito.









