Aabante na si Filipina Tennis Star Alex Eala sa Round of 32 ng WTA 1000 Miami Open sa Florida matapos nitong talunin si German veteran Laura Siegemund, 6-7( 8 ), 6-3, 6-3, nitong madaling araw lamang.
Hindi naging madali ang opening set kay Eala nang magwakas ito sa tiebreak loss.
Umabot sa isang oras at kalahati ang tapatan ng dalawang atleta sa unang set.
--Ads--
Gayunpaman, hindi nagpatinag ang Filipina netter at bumangon nang angkinin nito ang 2nd set hanggang 3rd set.
Susunod na makakatapat ni Eala ang magwawagi sa tapatang Magda Linette at Iga Swiatek.










