Naging usap usapan ngayon ang mga litrato at video ng actor na si Daniel Padilla sa ika 30th birthday celebration ng rumored girlfriend niyang si Kaila Estrada noong March 16, 2026.
Sa video na kuha ng ilang kaibigan at guests ni Kaila, makikita si Daniel na nasa entablado at kumakanta ng “Creep” ng Radiohead.
Biglang naghiyawan ang mga manonood nang may ituro si Daniel habang binabanggit ang lyrics ng kanyang kanta.
Hindi tiyak kung sino ang kanyang itinuro dahil hindi ito nakita sa video, ngunit ayon sa netizens, hindi malayong si Kaila ito.
Bukod sa pagkanta, nakunan din ng video si Daniel na nag-abot ng bouquet of flowers kay Kaila matapos nitong i-blow ang candle sa kanyang birthday cake.
Ang mga tagpong ito ay nagdulot ng kilig sa mga tagahanga nina Daniel at Kaila.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon sa napapabalitang relasyon nina Daniel at Kaila.
Ngunit imbes na sagutin ni Daniel, sinabi nitong hayaan na lang at antayin ang mga mangyayari.










