Engaged na ang aktres at dating beauty queen na si Alyssa Muhlach sa longtime boyfriend nito, ang podcast host na si Chris Young.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Alyssa ang ilang larawang kuha mula sa engagement party na idinaos sa Concept Space Manila.
Ayon sa mga ulat, nagsimula ang relasyon nina Alyssa at Chris noon pang 2016.
Kasalukuyan nilang pinagtutulungan ang pagiging hosts ng podcast .
Si Alyssa ay anak ng aktres na si Almira Muhlach at dating basketball star na si Paul Alvarez.
Sa comments section, bumuhos kaagad ang maraming congratulatory messages mula sa mga kaibigan at kapamilya ni Almira.
Binati rin si Alyssa ng ilang kapwa beauty queens. Kabilang na rito sina Ruffa Gutierrez, Emmanuelle Vera, Samantha Bernardo, Ariella Arida, at Maureen Montagne.
Si Alyssa ay nahirang na Reina Hispanoamericana Filipinas 2018 sa Miss World Philippines 2018 pageant.
Siya ang nag-represent sa Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2018 pageant sa Bolivia.










