Naaresto sa operasyon ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang isang babae na wanted sa iba’t-ibang kaso ng estafa.

Isinagawa ang operasyon sa Barangay Lucao, kung saan tumulong ang mga tauhan mula sa Police Station 4, City Investigation and Detective Management Unit (CIDMU), at City Intelligence Unit (CIU).

Ang suspek na residente ng Barangay Lucao, ay inaresto ayon sa dalawang aktibong warrant of arrest.

--Ads--

Una ay para sa kasong Estafa (Art. 315 Par. 2 (A) ng Revised Penal Code, na binago ng RA 10951), na inilabas noong Pebrero 2, 2026, ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) – First Judicial Region, Dagupan City, na may bail na Php 18,000.

Pangalawa naman ay isang kaso ng Falsification of Public Document noong Enero 12, 2026, na nagmula sa Urdaneta City, na may recommended bail na Php 36,000.

Sa kasalukuyan, nakakulong ang suspek sa Dagupan City Police Office habang hinihintay ang kaukulang desisyon ng korte ukol sa kaso.