Dagupan City – Iginiit ng isang constitutional law expert na hindi mahalaga ang umano’y “needs and bounce” na nais tukuyin ni Senator Rodante Marcoleta kaugnay ng isang pagpupulong, dahil malinaw na ang tunay na layunin ng China ay ang pag-angkin sa West Philippine Sea.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional law expert, hindi natumbok ni Senator Rodante Marcoleta ang punto ng nangyaring pagpupulong,” sapagkat malinaw umano sa mga aksyon ng China ang patuloy nitong paggiit sa soberanya sa nasabing karagatan.

Ipinaliwanag din ni Cera ang sa sa mga pangunahing dahilan umano nito ay ang posibilidad ng pagkakaroon ng oil at gas reserves sa nasabing bahagi.

--Ads--

Gayunman, giit ni Cera, dahil sa agresibong hakbang at patuloy na tensyon na idinudulot ng China sa rehiyon, malabo umanong maisakatuparan ang eksplorasyon o paglinang sa mga likas-yamang ito.