Dagupan City – Naaresto ng mga tauhan ng Mangaldan Municipal Police Station ang Top 1 Most Wanted Person ng bayan ng Mangaldan sa isinagawang operasyon ng pulisya bandang alas-4:30 ng hapon sa Barangay Salay.
Kinilala ang inaresto bilang isang 62 taong gulang, drayber ng jeepney, at residente ng Mangaldan, Pangasinan.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 26 ng San Fernando City, La Union.
Ang akusado ay nahaharap sa kasong Estafa by Issuing a Check sa ilalim ng Criminal Case No. 5681, na walang inirekomendang piyansa ayon sa warrant na may petsang Pebrero 2, 2026.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal.
Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng Mangaldan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon ng kaso.
Patuloy ang pagpapatupad ng mga operasyon laban sa mga wanted person bilang bahagi ng mga tungkulin ng pulisya sa bayan.




