Inanunsyo ni Prime Minister Pedro Sanchez ang planong magpatupad ng social media ban para sa mga kabataan na 16 taong gulang pababa, bilang bahagi ng mas malawak na hakbangin ng gobyerno para protektahan ang mga menor de edad sa digital world.
Ayon kay Sanchez, oobligahin din ang mga social media platforms na magkaroon ng age verification system, upang matiyak na ang mga batang hindi pa kwalipikado ay hindi makaka-access sa mga social media platforms.
Layunin nitong bawasan ang exposure ng kabataan sa mga mapanganib o hindi angkop na nilalaman online.
Ang hakbang na ito ay bahagi rin ng mga international efforts na tiyakin ang kaligtasan ng kabataan sa online na kapaligiran, kasunod ng mga bansang tulad ng Australia na nagpatupad na rin ng katulad na regulasyon.
Bukod sa pagbawal sa mga batang wala pang 16 na taong gulang, layunin ng panukala na panagutin ang mga tech executives sa pagpapatanggal ng mga ilegal o nakapipinsalang content, at tiyakin ang mas responsableng pamamahala sa mga algorithms na maaaring magpalaganap ng hate speech o iba pang nakakasamang impormasyon.










