Nagpasya ang Estados Unidos na bawiin ang ilang tauhan nito mula sa mga base militar sa Middle East, ayon sa isang opisyal ng U.S. nitong Miyerkules, kasunod ng pahayag ng isang mataas na opisyal ng Iran na binalaan umano ng Tehran ang mga karatig-bansa na targetin ang mga base ng Amerika sakaling magsagawa ng opensiba ang Washington.

Ayon sa opisyal ng U.S., ang pag-atras ng ilang tauhan ay isang hakbang bilang pag-iingat bunsod ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Sinabi rin ng tatlong diplomat na may ilang tauhan na ang pinayuhang lumikas mula sa pangunahing base ng U.S. Air Force sa Qatar.

--Ads--

Gayunman, wala pang palatandaan ng malawakang paglikas ng mga tropa, tulad ng naganap ilang oras bago ang pag-atake ng missile ng Iran noong nakaraang taon.

Kasabay nito, patuloy na hinaharap ng pamunuan ng Iran ang sinasabing pinakamalalang internal conflict sa kasaysayan ng Islamic Republic.

Libo-libong katao umano ang nasawi sa marahas na pagsupil ng gobyerno laban sa mga nagpoprotesta na tutol sa clerical rule ng bansa.

Sa gitna ng krisis, tinatangka ng Tehran na pigilan ang posibleng pakikialam ng Estados Unidos, matapos paulit-ulit na magbanta si Pangulong Donald Trump na susuportahan ang mga anti-government protesters sa Iran.