DAGUPAN CITY- Legal na maituturing ang pagkakaaresto ng Estados Unidos kay dating Venezuela President Nicolas Maduro dahil sa bantang ipinasok nito sa America.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joey Tamayo, co-anchor ng programang Dura Lex Sed Lex, aniya, ang pagiging di umano’y drug trafficker ni Maduro ang isa sa nagiging dahilan ang pagkakaaresto nito.
Aniya, kabilang ang Venezuela, talamak sa South America ang pagawaan ng mga droga, katulad na lamang ng cocaine at ang fentanyl na pumapaslang umano ng mga kabataan.
Matagal na rin aniyang pinapaaresto si Maduro dahil sa pagpasok nito ng droga sa America, partikular na sa Venezuela.
At dineklarang Narco State ang Venezuela dahil sa pinamumugaran ito ng mga nagbebenta ng illegal na droga.
Bukod pa riyan, hindi rin umano tinuturing na pangulo si Maduro dahil sa pinaniniwalaang pandaraya nito noong Presidential Election.
Salungat naman ang pananaw ng ibang bansa, tulad ng Russia at China, at tinatawag itong paglabag sa International Law.
Gayunpaman, sinabi ni Atty. Tamayo na pasok pa rin sa doktrina ng nasabing batas na ‘self-defense’ ng Estados Unidos ito dahil sa pinasok na banta ni Maduro.










