Dagupan City – Inaresto kamakailan ng Sta. Barbara Municipal Police Station ang isang 22-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng 0.35 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Sta. Barbara.
Ang suspek ay walang trabaho, at residente ng nasabing bayan.
Isinagawa ang operasyon mula alas-7:10 ng gabi hanggang alas-9:30 ng gabi ng Sta. Barbara MPS sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng 0.35 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P2,380.00, na umano’y ibinenta at iningatan ng suspek.
Narekober din ang ilang non-drug evidence kabilang ang limandaang pisong na ginamit bilang buy-bust money at isang motorsiklo.
Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa lugar ng operasyon sa harap ng mga itinatakdang mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa umiiral na batas.
Patuloy ang imbestigasyon habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa inaresto.










