Dagupan City – ‎Naghihintay lang ng abiso ang Municipal Agriculture Office San Fabian ng Abiso mula sa DA R1 para sa isasagawang distribution ng abono sa mga magsasaka sa bayan.

Ayon kay Ramoncuto Cedaña ng Municipal Agriculture Office ng San Fabian, nasa kanilang tanggapan na ang hindi bababa sa 2,000 bag ng pataba na nakalaan para sa mga benepisyaryong magsasaka. Gayunman, hindi pa ito maibigay dahil hinihintay pa ang pinal na pahintulot mula sa DA Region 1.

Patuloy pa ang isinasagawang pagsusuri at inspeksyon ng regional office bago tuluyang payagang ma-release ang mga pataba.

Dagdag niya, kumpleto na ang suplay at handa na itong ipamahagi sa sandaling lumabas ang opisyal na direktiba mula sa DA Region 1. Kapag natanggap ang abiso, agad na ipatutupad ang distribusyon sa mga magsasaka sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Napilitan na rin umano bumili muna ng sariling pataba ang mga magsasaka sa bayan habang hinihintay ang ayuda na magmumula sa Gobyerno

Nagpapatuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng lokal na opisina sa regional office upang mapabilis ang proseso at maiwasan ang mas matagal pang paghihintay ng mga magsasaka.