Sinimulan ni AJ Raval ang 2026 ng isang appreciation post para sa kanyang partner na si Aljur Abrenica.

Sa social media post, nagbahagi si AJ ng mga larawan at videos ng sweet moments nila ni Aljur noong nakaraang taon.

Nilapatan niya ito ng iba-ibang sweet messages kung gaano siya kaswerte bilang misis.

--Ads--

Dagdag pa nito sa caption ang heart emojis.

Sa kabila nito, hindi naman maaalis ang batikos a actress ngunit sa kabila nito’y, may ilan namang ipinagtanggol si AJ laban sa mga nagsasabing “kabit” pa rin daw ito dahil kasal pa si Aljur sa misis niyang si Kylie Padilla.

Matatandaan naman na naglabas na rin ng pahayag si Kylie tungkol sa relasyon ng ex-husband na si Aljur kay Aj at aniya ay Suportado rin nito ang relasyon ng couple.