Dagupan City – Arestado ang isang 44-anyos na tricycle driver sa bayan ng Villasis matapos makumpiskahan ng isang gramo ng hinihinalang shabu sa isang operasyon ng pulisya.

Kinilala ang suspek na residente rin ng nasabing bayan.

Ayon sa Villasis MPS, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang confidential informant tungkol sa iligal na aktibidad ng suspek, kung saan nagbebenta umano ito ng shabu sa kanyang mga customer.

--Ads--

Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Villasis MPS, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP6,800.00, na nakalagay sa isang heat-sealed transparent plastic sachet.

Bukod pa rito, nakumpiska rin ang isang itim na pouch, isang dilaw na lighter, isang cell phone, PhP548.00 na cash, at isang motorized tricycle na walang plaka.

Sa kasalukuyan, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.