Tila pangarap na natupad ang pagselebra ng White Christmas sa Finland.

Ito ang ibinahagi ni Lucky Jay Abbago, Bombo International News Correspondent sa Finland.

Aniya, kakaiba ngunit makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko sa naturang bansa.

--Ads--

Kung saan tuwing Christmas Eve, nagsasagawa sila ng iba’t ibang aktibidad tulad ng YOLO sauna at iba pang pagtitipon bilang bahagi ng selebrasyon.

Para naman sa mga bata, tampok ang tinatawag na YOLO Carentory, isang kahon na may lamang mga surpresa mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 24.

Kung saan ay araw-araw may makikitang munting regalo sa loob nito gaya ng mga kendi at iba pang pasalubong na labis na ikinatutuwa ng mga bata.

Pagdating naman aniya sa handa tuwing Pasko, karaniwan sa Finland ang mga tradisyonal na pagkaing pang-Nordic, at kapansin-pansin na may pagkakapareho rin ito sa Pilipinas dahil ham ang isa sa mga karaniwang inihahanda sa parehong bansa.

Ibinahagi rin ni Abbago na anim na taon na siyang naninirahan sa Finland, at sa loob ng panahong iyon ay anim na beses na rin niyang naranasan ang tinatawag na “white Christmas,” o Paskong may niyebe.

Bukod dito, bahagi rin ng kanilang selebrasyon ang mga Christmas party, potluck, iba’t ibang laro, exchange gifts, at mga parlor games.