DAGUPAN CITY – Dalawang U.S. Army soldiers at isang civilian interpreter ang nasawi habang tatlong iba pa ang sugatan sa isang pag-atake ng Islamic State sa Palmyra, Syria, habang sila ay sumusuporta sa mga operasyon laban sa terorismo, ayon sa Pentagon.
Nangako si US pres. Donald Trump na magsasagawa ng seryosong pagganti laban sa armadong grupong ISIL (ISIS) matapos ang nasabing pananambang .
Ang pag-atake sa mga puwersa ng US ang unang naitalang pagkasawi mula nang bumagsak si Pangulong Bashar al-Assad ng Syria isang taon na ang nakalipas.
Sa isang post sa social media, sinabi ni Trump na nakatanggap siya ng kumpirmasyon na ang mga nasugatang sundalo ng US ay nasa mabuting kalagayan na.
Gayunpaman, nagbabala siya na magkakaroon ng seryosong mga kahihinatnan ang tinawag niyang pag-atake ng ISIL (ISIS).










