DAGUPAN CITY- Ipinahayag ng Pangasinan Police Provincial Office na naging ganap na matagumpay at payapa ang kanilang seguridad sa isinagawang Trillion Peso March 2.0 nitong Nobyembre 30 sa lalawigan.

Sa panayam kay P/Capt. Aileen Catugas, Public Information Officer ng Pangasinan PPO, sinabi niyang walang nakitang banta o insidente na maaaring magdulot ng panganib sa publiko.

Aniya, dahil sa maagang paghahanda, mataas na antas ng koordinasyon, at kooperasyon ng mga dumalo ang naging dahilan ng maayos na daloy ng pagtitipon.

--Ads--

Dagdag pa niya, na naging full alert ang kapulisan sa bansa lalo na sa lalawigan noong araw na iyon sa mga lugar na pinagdaosan ng mga prayer rally gaya ng mga simbahan at mga pangunahing daan upang tiyaking ligtas ang publiko sa buong aktibidad.

Bagaman wala pang eksaktong datos sa bilang ng mga dumalo at nagsagawang lugar a lalawigan , nilinaw ni Catugas na may hiwalay pang religious activity na naganap sa parehong araw, ngunit hindi ito kabilang sa naturang rally.

Matapos ang matagumpay na pagbabantay, ibinaba na rin ng Pangasinan PPO ang kanilang status mula full alert tungong heightened alert kaninang umaga.

Dagdag nito n, ang pinakamahalagang aral na nakuha ng kanilang hanay ay ang kahalagahan ng malawak na koordinasyon, hindi lamang sa mga organizer ng rally kundi maging sa mga LGU at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Sa kabuuan, muling iginiit ng Pangasinan PPO na handa silang ipagpatuloy ang pagpapatupad ng seguridad para sa anumang malakihang pagtitipon sa lalawigan.