Nakatakas ang 50 estudyante na unang dinukot mula sa isang Catholic school sa Northern Nigeria, ayon sa ulat ng Christian Association of Nigeria (CAN).

Ayon sa samahan, ang mga estudyanteng ito ay ligtas na nakabalik sa kanilang mga pamilya.

Sa kabila nito, nananatiling hawak ng mga armadong suspek ang 253 pang bata, kabilang ang 250 mag-aaral mula sa St. Mary’s Private Catholic School, tatlong bata, at 12 guro.

--Ads--

Magugunitang nitong Biyernes, dinukot ng mga armadong suspek ang mga estudyante sa St. Mary’s Private Catholic School na matatagpuan sa north-central Niger State.

Ang insidente ay nagdulot ng pangamba sa lokal na komunidad at sa buong bansa.

Umapela na rin si Pope Leo sa mga armadong suspek na pakawalan ang mga bihag na estudyante.

Pinayuhan niya ang mga otoridad na tiyakin ang kaligtasan ng mga bata at guro.

Patuloy ang operasyon ng mga lokal na awtoridad upang mapalaya ang natitirang mga bihag at mabigyan sila ng agarang tulong at proteksyon.