Dagupan City – ‎Pinagtitibay ng pamunuan ng Barangay Longos Central sa San Fabian, Pangasinan ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga habang patuloy na binabantayan ang kaayusan sa lugar.

‎Ayon kay Barangay Captain Eva Liwanag, isang buy-bust operation lamang ang naitala sa lugar at hindi residente ng barangay ang suspek.

Bahagi ng kanilang pagpapatupad ng mas mahigpit na pagbabantay ang regular na drug testing sa mga indibidwal na mino-monitor sa komunidad.

Sa mga isinagawang pagsusuri, wala pang lumalabas na nagpositibo.

‎Dagdag ni Liwanag, nananatiling maayos ang sitwasyon pagdating sa kaayusan sa barangay. Kadalasan aniya, maliit na hindi pagkakaunawaan tulad ng usapin sa utang ang nagiging sanhi ng iringan sa ilang residente.

‎Tinitiyak ng barangay na agad inaareglo ang ganitong sitwasyonsa pamamagitan ng maayos na pagharap at paghimay sa problema upang hindi na lumaki pa.

--Ads--

Sa ngayon, nakatuon ang pamunuan sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng impormasyon, mabilis na aksyon, at aktibong paghihigpit sa anumang banta sa kaayusan.