DAGUPAN CITY- Pinaghandaan na agad ng mga awtoridad at residente ng Taiwan ang pagdaan ni Bagyong Fun-wong, lalo na sa paglikas sa higit 8,300 katao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Othman Alvarez, Bombo International News Correspondent sa Taiwan, nagdulot ng matinding pagbaha ang bagyo matapos itong magparanas ng pag-ulan, partikular na sa bulubunduking bahagi.
Aniya, napaulat sa nasabing bansa ang halos 1,000 kataong sugatan subalit, wala naman naitalang nasawi.
Saad pa ni Alvarez, walang mga Pilipino ang napahamak mula sa bagyo sapagkat maging sila ay naghanda sa pagdaan nito.
Hindi naman nakaligtas ang ilang mga kabahayan at ilang gusali mula sa pananalasa at kasalukuyan na itong inaaksyunan ng mga awtoridad.
Sa kasalukuyan, panaka-nakang pag-ulan na lamang ang nararansan sa Taiwan.










