DAGUPAN CITY – Dalawa ang nasawi, habang 14 ang sugatan matapos angt walang pakundagang pagpapaputok ng baril sa gitna ng mga taong palabas mula sa laban ng Tuskegee University at Morehouse College malapit sa downtown Montgomery, Alabama.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jeremiah Morris, 17 taong gulang at Sholanda Williams, 43- taong gulang
Ayon sa mga ulat, nagkagulo ang magkaribal na tagasuporta sa naturang American Football Game.
Nagsimula ang insidente sa isang away sa pagitan ng dalawang magkaribal na grupo na nauwi sa barilan habang nagtatakbuhan sa mataong mga kalsada.
Ayon sa pulisya, pumunta agad sila sa lugar matapos makatanggap ng ulat na may nagpaputok ng baril subalit, pagdating nila, ay nadatnan na nilang maraming tao ang nasugatan dahil sa pamamaril.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng panayam ang mga imbestigador sa mga saksi at sinusuri ang mga kuha sa surveillance video upang matukoy ang mga suspek.










