Farmers in North of Manila were looking forward to a good harvest this year . Pangasinan is the country’s third biggest rice producer, next to Nueva Ecija and Isabela provinces. But Farmers here was worried Price of palay.Photos by Mau Victa/Rappler

DAGUPAN CITY- Aani na sana, binagyo pa.

Inabutan ng sunod-sunod na pagbagyo ang mga lokal na magsasaka na nakatakdang aani na ng kanilang pananim na palay.

Ayon kay Jayson Cainglet, Executive Director ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, dumodoble pa ang dagok ng mga magsasaka dahil bagaman pinili nilang antayin na mahinog ang kanilang pananim ay binaha’t nabasa ang mga ito kaya binabarat sila ng mga traders.

--Ads--

Aniya, napipilitan na lamang na ibenta ng mga magsasaka ang kanilang produkto sa presyong palugi, halagang P5-P8, dahil wala naman silang post harvest facilities.

Pabor man si Cainglet sa pagbibili ng National Food Authority (NFA) ng palay ng mga apektadong magsasaka subalit may kakulangan sa storage facility at inaasahan pa ang pagsisimula ng peak harvest.

Maliit din ang karagdagang procurement budget para makinabang ang mga magsasaka upang mapataas ang presyo ng palay.

Dagdag pa ni Cainglet na hindi rin sapat ang pagtatakda ng floor price sa bentahan ng palay para makatulong sa mga magsasaka.

Saad ni Cainglet, karamihan sa napinsala ng Bagyong Nando ang mga sakahan sa Northern Luzon hanggang Bicol Region.

Habang sa Mindoro, Romblon, at maging sa bahagi ng Southern Tagalog ang napinsala ng Bagyong Opong.