Dagupan City – Mga kabombo! Tila hindi karaniwang kaso ito.

Nasawi kasi ang 28-anyos na babae na may sakit na cancer hindi dahil sa kaniyang sakit, kundi dahil sa kagat ng insekto?

Tila ikinabigla ng publiko ang ulat na ito.

--Ads--

Paano ba naman kasi nakilala si Marissa Laimou na isang Breast cancer survivor.

Ayon sa ulat, matapos malampasan ni Marissa ang lahat ng pinagdaanang treatments, sa kagat ng insekto pala siya bibigay.

Si Marissa ay mula sa pamilya ng isang kilalang Greek shipping dynasty na ilang siglo nang nag-o-operate sa Greece.

Sa London isinilang at lumaki ang dalaga, at sa U.S. naman siya nag-aral ng high school at kumuha ng college degree sa musical theatre.

Matapos mag-graduate, bumalik siya sa London at nagtanghal sa entablado, kung saan naranasan niyang gumanap bilang Juliet sa stage play na Romeo and Juliet.

Nito lamang styembre 19, nang natagpuan na lamang siyang walang buhay sa kanyang higaan sa kanilang townhouse sa Knightsbridge, Central London.

Isinugod pa ito sa University College London Hospital noong September 10, dahil nakaramdam ito ng pagkahilo, pangangati, at mataas na lagnat, ayon sa kanyang mga kamag-anak.

Pagdating sa ospital, sumailalim si Marissa sa mga tests sa patnubay ng mga nurse at hindi raw doktor.

Nagawa pa raw niyang magpadala ng message sa isang kaibigan ng ganito: “nobody is checking up on me, nobody is coming.”

Makalipas ang apat na oras, binigyan lamang daw siya ng antibiotics at pinauwi na, saad pa rin ng isang family friend.

Kinabukasan, natagpuan siya ng kanilang kasambahay na wala nang buhay.

Inimbestigahan ang kanyang pagkamatay, subalit sinabi ng kanyang pamilya na sa official diagnosis ng mga docktor, “toxic effect of venom” na mula sa “animal or insect bite” ang ikinamatay ng dalaga.

Dahil dito, nagdalamhati naman ang Greek community sa London dahil sa pagpanaw ni Marissa.

Nabanggit naman sa latest reports na inaakusahan ng pamilya na nagkaroon ng kapabayaan ang ospital sa pagkasawi ni Marissa.