DAGUPAN CITY – Masusing tinututukan ng Philippine Embassy ang kalagayan ng mga Pilipino na kabilang sa 52 pasahero na lulan ng bus na naaksidente sa highway ng bayan ng Pembroke sa silangan bahagi ng Buffalo, New York.

Ayon kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa Amerika, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, lumalaba sa ulat na nadistract ang operator, nawalan ng kontrol, at dahil sa bilis ng patakbo ay nagresulta ng nagpagulong-gulong ng bus sa mataas na bahagi ng kalsada at marami umano sa mga pasahero ay walang suot na seatbelt kaya naman sila ay tumilapon

Galing umano ang bus sa Niagara Falls at pabalik na sa New York City ng mangyari ang aksidente na ikinasawi ng limang katao at pagkasugat ng maraming iba pa.

--Ads--

Kabilang sa mga sakay nito ay mga Pilipino, Indian, Chinese at ilang Amerikano.

Ang New York City ay popular na tourist destination at maraming pumupunta sa nasabing lugar mula Asya at iba pang bansa.

Sa kasalukuyan ay nakalabas na ng ospital ang iba sa mga biktima habang may mga inilipat sa ibang hospital dahil sa malalang bone injury.

Ang lugar ay itinuturing na high accident prone area kaya naman maraming mga signages doon upang maging maingat ang mga dumadaan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang drayber ng National Transportation Safety Board.

Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga sakay ng bus at iniimbestigahan pa rin ang tunay na sanhi ng aksidente.