Man on the chair in Handcuffs. Rear view and Closeup ,Men criminal in handcuffs arrested for crimes. With hands in back,boy prison shackle in the jail violence concept.

Mga kabombo! Ilan nga ba ang budget ng isang bilanggo sa loob ng kulungan?

Paano na lamang kung malaman mong ang isang bilanggo’y kayang ubusin ang budget ng 10 tao?

Aba! Ito kasi ang sitwasyon ngayon ng 29-anyos na lalaki sa Austria, kung saan ay kinilala itong isa sa pinakamabigat na bilanggo sa kanilang bansa.

--Ads--

Ayon sa ulat, may bigat ang lalaki na nasa 289 kilos at inaresto matapos makuhanan nang malaking halaga ng iligal na droga sa kanyang tahanan na ngayon ay binansagan nang ‘World’s Heaviest Prisoner.’

Dahil dito, nagdulot ng debate ang kaniyang sitwasyon matapos lumabas ang ulat sa napakalaking gastos ng gobyerno para sa kanyang pagkakakulong.

Dahil sa kanyang pambihirang bigat, inilipat siya sa isang espesyal na kulungan kung saan mayroon siyang custom-made na kama na gawa sa bakal at 24-oras na pangangalaga mula sa mga nurse.

Ang lahat ng ito ay may katumbas na malaking halaga. Ayon sa ulat ng pahayagang Kronen Zeitung, ang panga­ngalaga sa bilanggo ay umaabot sa humigit-kumulang P119,400 kada araw.

Ito ay 10 beses na mas mataas kumpara sa halos P11,940 na gastos para sa isang ordinaryong bilanggo.

Bukod dito, ang espesyal na transportasyon para sa kanya ay nagkakahalaga ng mahigit P331,000) sa bawat biyahe.

Dahil dito, ang kanyang mga interogasyon ay ginagawa na lamang sa pamamagitan ng video call upang makatipid.

Ang kasong ito ay nagbukas ng debate kung paano dapat hawakan ng justice system ang mga bilanggo na may mga pambihirang pangangailangang medikal at kung paano ito dapat balansehin sa pondo ng bayan.