Sinimulan na ng mga military planners mula sa Estados Unidos at Europa ang pagtalakay sa mga posibleng garantiya sa seguridad para sa Ukraine matapos ang kaguluhan, ayon sa mga opisyal ng U.S.

Ito ay kasunod ng pangakong ginawa ni Pangulong Donald Trump na tutulungan ang Ukraine sa ilalim ng anumang kasunduan upang tapusin ang digmaan na inilunsad ng Russia.

Nagkaroon ng bagong sigla ang Ukraine at mga kaalyado nito sa Europa dahil sa pahayag ni Trump matapos ang isang summit nitong Lunes, kung saan tiniyak niya ang pagbibigay ng mga garantiya sa seguridad para sa Kyiv.

--Ads--

Gayunpaman, marami pa rin ang mga katanungang hindi pa nasasagot kaugnay ng kanyang pangako.

Ayon sa mga opisyal, nagsasagawa na ang Pentagon ng mga simulation at planning exercises upang tukuyin kung anong uri ng suporta ang maaaring ibigay ng Washington, bukod pa sa pagbibigay ng armas.

Ngunit binigyang-diin nila na mangangailangan ng panahon upang matukoy ng mga planners mula sa U.S. at Europa kung alin sa mga hakbang ang maaaring maisagawa sa militar at kung ano ang tatanggapin ng Kremlin.

Isa naman sa mga opsyon na isinasaalang-alang ay ang pagpapadala ng mga puwersang Europeo sa Ukraine, ngunit ang U.S. ang mamumuno sa kanilang command and control.

Samantala, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nagbibigay ng komento ang Pentagon at NATO ukol sa ideyang ito.