Mga kabombo! Isa ba kayo sa fan nina Romeo at Juliet?
Kung ireremake ang movie, sino naman ang gusto mong gumanap?
Tingin mo, papasa ba sa’yo kung may mga twist sa gaganap na karakter?
Isang teatro kasi sa Estonia ang nagtanghal ng isang kakaibang version ng klasikong dula ni Shakespeare na “Romeo and Juliet,” kung saan ang mga gumanap na aktor ay mga malalaking sasakyan at construction vehicle.
Ang dulang pinamagatang “Romula ja Julia,” na itinanghal ng Kinoteater, ay ginanap sa isang abandonadong limestone quarry.
Sa halip na mga aktor, ang kuwento ng pag-iibigan ay isinalaysay sa pamamagitan ng mga galaw at interaksyon ng mga sasakyan.
Sa kakaibang produksyon na ito, si Romeo ay ginampanan ng isang rally truck, habang si Juliet naman ay isang pulang Ford pickup truck.
Maging ang tanyag na duwelo sa pagitan nina Tybalt at Mercutio ay ininterpret sa pamamagitan ng dalawang excavator na naglalaban gamit ang kanilang mga metal bucket.
Kinilala naman ang direktor nito na si Henrik Kalmet at Paavo Piik, king saan sinabing ang dula ay isang eksperimento upang alamin kung posible bang maghatid ng emosyon gamit ang mga makina sa halip na mga tao.