Nais ng pamunuan ng Pangasinan Provincial jail na maging departamento sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan, inihayag ni Col. Lovell Dalisay, warden ng Pangasinan Provincial Jail na nilalayon nilang palawakin ang serbisyo sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) at mga personnel ng Pangasinan Provincial Jail.
Aniya, ang nais nila ay may maitalagang eksperto sa departamento at nang hindi na sila magrequest pa sa ibang opisina halimbawa na lang ang pagkakaroon ng nurse upang may titingin sa mga magkakasasakit namga inmate.
Paliwanag pa niya na kapag naging independent ang kanilang tanggapan ay puwede na silang gumawa ng ibat ibang programa
at madagdagan ang kanilang pondo.
Ngayong 2025,ang kanilang annual budget ay umaabot sa 42,835,000 at sa 2026 kapag naaprubahan bilang department ay magiging 53,964,743.40 ang kanilang magiging pondo.
Samantala, tinanong ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, ang Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan (SP) si Dalisay bakit kailangan na i-upgrade at gawing full pledge na departamento ang nasabing tanggapan.
Aniya, ang gustong marinig ng SP ay kapag gagawing departamento ang isang opisina ay magkakaroon ba ng expansion sa scoop o may idadagdag na function.
Paliwanag ni Lambino na kapag ito ay naging departamento ay nangangahulugan ng dagdag serbisyo ng PPJ at may mas malawak na otoridad upang makapag presinta ng budget at lumikha ng karagdagang plantilla.
Matapos na marinig ang kasagutan ng warden ay agad itong ipinasa ng provincial board.