Dagupan City – Nagsagawa ng relief distribution ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa Sitio Balinayew, Barangay Salay ngayong Hulyo 27, 2025, para tugunan ang pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng mga nagdaang pagbaha.
Pinangunahan ang operasyon ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at General Services Office (GSO), katuwang ang tanggapan ng alkalde.
Ipinamahagi ang mga pangunahing supply tulad ng pagkain at iba pang gamit na makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga apektadong pamilya. Tiniyak ng mga kawani ng LGU ang maayos at makatarungang pamimigay ng tulong.
Bahagi ito ng pinalawak na hakbang ng LGU Mangaldan upang agad na makaresponde sa mga kalamidad.
Nakatakda rin ang susunod na relief operations sa iba pang barangay na lubhang naapektuhan ng masamang panahon.