DAGUPAN CITY- Matapos ang price crisis sa produktong bangus sa syudad ng Dagupan ay nakitaan ito ng magandang presyo ngayon taon ng 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Julius Benagua, Core Memmber ng Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan, simula Oktubre ng 2023 hanggang Nubyembre ng 2024 ay nakaranan ng price crisis sa buong bansa na nagdulot ng pagtigil sa ibang mga Magbabangus.
Aniya, nagsimula lamang ang pagganda ng presyo noong Disyembre 2024 at sa kasalukuyan dahil sa tamang suplay para matugunan ang demand sa merkado.
Kaya sa bahagi ng lalawigan, partikular na sa bayan ng Bugallon, ngayon pa lamang sila nagrestock ng mga suplay na sapat lamang sa kinakailangan sa merkado.
Maganda rin ang pagbebenta ng mga growers dahil dumederekta ang kanilang mga produkto sa Navotas.
Bukod pa riyan, ang mga organisasyon sa lalawigan ng Pangasinan, partikular na ang SAMAPA, ay nakatulong sa pagsasaayos ng presyo.
Nakikita rin ni Benagua na nakaapekto ang pagtangkilik ng mga tao sa bangus dahil sa pagtaas ng presyo ng karneng baboy dulot ng African Swine Fever.
Dagdag pa niya, sapat na ang suplay ng bangus para matugunan din ang pangangailangan sa susunod na taon.