DAGUPAN CITY- Bahagyang tumaas ang presyo ng bangus sa ilang pamilihan sa lungsod ng Dagupan dahil sa pagkunti-kunting ng suplay.

Ayon kay Helen Paalisbo, isang bangus vendor sa Magsaysay Fish Market na umakyat ng ₱10-₱20 kada kilo ang presyo sa nakalipas na anim na araw.

Ang dating ₱140-₱150 kada kilo na bangus sa medium size ay umabot na sa ₱160-₱170, habang ang mas malalaking bangus o large size na mula ₱160-₱170 ay pumapalo na ngayon sa ₱180-₱190.

--Ads--

Dahil sa pagtaas ng presyo at sa matumal na benta dulot ng pabago-bagong panahon, kakaunti na lamang ang bumibili lalo na kapag weekdays habang kapag weekend ay medyo maayos naman ang bentahan.

Kinumpirma naman ni Dennis Decano, Market Division Officer ng Magsaysay Fish Market, ang pakonti-konting suplay ng bangus ay galing mga bayan sa kanlurang bahagi ng Pangasinan tulad ng Alaminos City, Anda, at Bolinao.

Sapat naman aniya ang suplay ng bangus mula sa Dagupan City galing sa mga mangingisda or Bangus Grower.

Habang nagiging maayos ang supply kapag may mga malalaking consignation ang nagdadala ng maraming banyerang bangus.

Samantala, Patuloy naman ang pagmomonitor ng Magsaysay Fish Market, kasama ang City Agriculture Office, sa mga ipinapasok na isda o lamang dagat sa lugar upang mapanatiling ligtas sa mga mamimili.