Hindi bababa sa 15 katao sakay ng skydiving plane ang sugatan matapos bumagsak sa Monroe Township, sa New Jersey.

Ayon sa Gloucester County Emergency Management, ang eroplano ay bumagsak malapit sa Cross Keys Airport sa Tuckahoe Road nitong 5:30 p.m ng Miyerkules, lokal na oras.

Ayon naman sa Federal Aviation Administration, ang insidente ay naganap bandang 5:30 ng hapon noong Hulyo 2, habang paalis mula sa paliparan ang isang eroplanong Cessna 208B at ito’y lumihis sa runway.

--Ads--

Patuloy pang iniimbestigahan ang FAA ang naturang insidente.