Dagupan City – Mula pa alas-siyete ng umaga, pumapasada na si Mang Jaime sa kanilang terminal, umaasang makabawi sa kita kada pasada. Araw-araw niyang sinusuyod ang lansangan, pero hanggang apat na biyahe lang ang kaya niya sa maghapon.
Dati-rati, kahit paano ay nakakaipon siya ng tatlong daang piso sapat para sa pagkain, baon ng mga anak, at ilang gastusin sa bahay. Pero nitong linggo, dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, bumagsak ang kanyang kita sa halos isang daan na lamang
Hindi na umano sapat ang kinikita para sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Kahit anong kayod, kapos pa rin ang kita sa taas ng presyo ng langis at patuloy na gastusin sa bahay.
Dahil dito, nananawagan ngayon ang ilang tricycle driver na muling pag-aralan ang kasalukuyang fare matrix. Kung dati’y nasa dalawampu hanggang tatlumpung piso ang singil kada sakay, hiling nila na itaas ito sa apatnapung piso upang kahit paano’y makabawi sa patuloy na pagkalugi.
Sa kabila ng hirap, tuloy pa rin ang pasada dala ang pag-asang muling gagaan ang biyahe, hindi lang sa kalsada kundi pati sa buhay.
Home Local News Tricycle Drivers sa lungsod ng Dagupan, nananawagang dagdagan ang fare matrix dahil...