Nagsagawa na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng mga hakbang sa paghahanda at koordinasyon simula pa noong Mayo 2026 upang matugunan ang mga posibleng epekto ng El Niño sa Pangasinan.
Ayon kay Ret. Col. Rhodyn Luchinvar Oro, hepe ng PDRRMO, kabilang sa mga hakbang ang pagrerepaso at pag-update ng mga plano, gayundin ang patuloy na pagpapalawak ng information awareness campaign sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.
Kabilang sa mga tinututukan ang posibleng epekto ng El Niño, pagtitipid sa tubig, at wastong pamamahala ng suplay ng tubig at irigasyon, sa pangunguna ng National Power Corporation (NAPOCOR) at National Irrigation Administration (NIA).
Nakatakda ring tutukan ang paghahanda sa agrikultura at seguridad sa pagkain sa tulong ng Provincial Agriculture Office, gayundin ang pangangalaga sa mga alagang hayop at pag-iwas sa mga sakit ng mga ito.










